Wala ako paki sa Facebook dati. Gamit ko lang pangcatch-up sa mga fake news, mga hashtagblessed posts ng kakilala ako, at pagkaing miss ko na. Like lang ang alam kong react dati. LOL. Oo. Wag na natin pagusapan.
Mga 14 months ago I posted this on a Freelancing Group na kung saan banned na ako ngayon. Kasi daw nagpaparami ako followers at totoo naman din, pero hindi ko alam kung nababawasan ba sila everytime may magfollow sakin kaya bawal? Sabi ng ni Ely, ~ewan koooo hindeeee koooo aalaaaam.
Napapansin-pansin ko sa feed ko nun, maraming set-up ng table or workstation a ng pinopost. Ang gaganda kako, saka ang lilinis. Di makatotohanan. Pffft. So naisip ko, magsubmit nga din ako. Freelancer din naman ako ah. May ganito pala. Mukhang masaya. So bumaba ako at inalis ko mga kalat sa mesa at pinicturan yung set-up ko. Kakabenta ko pa lang kidney ng mga panahon na yan para sa Wacom, at kakadating na din ng upuan kong napakatigas at kakabuo ko table. Hinila ko yung lemongrass na gamit namin pag nagluluto ng Inasal at belly lechon. Angulo here, angulo there. Shoot. Post. Exit FB.
Tapos maya maya, aba may mga notifications na. LOL di ako sanay. Naexcite ako. Aba mabenta ang post ng lolo niyo. Ganun pala feeling pag naka lampas 50 likes ang post. LOL Masarap pala. Mataas na kasi yung 40 likes ako sa Instagram dati eh LOL.
So natulog ako, at nagising akong 2k-ish naman na yung reacts. Hala. Ansaya. “Dito na lang kaya ako sa Facebook mag-Instagram?”, sabi ng kukote kong nakatikim ng Dopamine rush.
A few days later. Nafigure out ko yung function na gumawa ng page.
At heto na ako ngayon. Heto na tayo ngayon. 13-ish months in, 16,250-ish followers (huwag niyo na munang paabutin ng 17K. Please.) madaming gabing puyatan, mga gabing wala talagang tulog, walang kamatayang tawanan sa live, guesting sa Wacom Philippines, mga bagong kaibigan, mga di nawawala at paratiing nadadagdahang haters, may pinipilahan at di mapantayang The Underwearkers na… at medj hindi na rin ako nahihiya magsalita sa camera kahit mukhang tanga pala ginagawa ng mg vlogista.
Lahat nagsimula sa post na yan.
SALAMAT SA MGA HINDI PA UMAALIS AT NANG-IIWAN KAHIT DI NA MASAYA.
Paki-SHARE pala kung may napala naman kayo sa page ko kahit papano.
(First version was posted June 26 2020)
Nu haan nga influencer papi, anya garud? 😁😎