
Dati, napaparoll-eyes lang ako pag nakakita ako ng mga may page or mga influencer influencer na yan.
“Ano ba napapala nila?”
So nag-start ako ng page kasi may nabasa at napanood akong pwede daw pagkaperahan FB. I was like, pwedeee. Matry nga. Drawing lang ako saka mga tito jokes. Drawing drawing tito jokes here tito jokes there. Share ng ng tips here. Share ng tips there. Sabi pag naka 1k ka ng followers magkakapera ka na. Kalokohan. LOL. Eh walang gustong makipag-collab sakin. LOL. Pero tuloy pa din. Post jan post dito. Masaya na ako sa 20 reacts at 5 comments sa posts nun. LOL.
Yun, doon ako nadale. I started to love and enjoy what I was doing. Although I still have my eye on monetizing the page, lalo na gusto ko naman magka-stars stars na yan kasi never ako natatakan yata ng star nung kindergarten ako. Feeling ko yun ang “unresolved childhood conflict” dito LOL – im not stressing on said numbers anymore.
Masarap na eh.
Yung papansin ka na ng mga people tapos oofferan ka na Talent or Professional Fee para lang gawin mo yung ginagawa mo naman na ng libre kaya ipapamigay mo na lang pati yon. LOL.
Masarap na eh.
Yung karamihan na ng freelancing groups sa FB eh pinagkakaperahan na ang mga kapwa nilang tanga-pa-sa-freelancing, may mga pa-academy na at promises yumaman sa freelancing, eh pinaglalaban at pinagguguluan ng madaming oras pa din namin sa The Underwearkers na FREE ang lahat.
Masarap na.
Kaya wala na ako pake (masyado) pagkaperahan na ang page. Reklamo to ng asawa ko kasi puro na raw ako FB lol.
Hindi naman kasi mapapantayan ng kahit anong stars, subscription or kita sa ads ang mga ganitong message. Hindi mapantayan yung malaman mong uy may nabago ka na palang buhay for the better. Hindi mapantayan yung mga may nainfluence ka magstart or magpatuloy or yung wag lang mag-give up.
Salamat Christian sa pagsira mo sa eye make up ko.
Lemme close by saying yung sabi nung laseng sa kanto, “Just post. You never know who’s watching. You never know who you’re inspiring.”
Salamat sa tiwala niyo sa Molongski & The Underwearkers.
Paki-SHARE kung napangiti, napaluha or napa-utot, or nacornihan or nakurot kayo.
(Originally posted July 17 2020)