Here’s a quick quide for you na naliligaw pa rin ng landas at di alam kung paano papasukin ang mundo ng freelancing.
Alam ko na marami ka nang nababasa, nakikita at nawi-witness na success stories ng mga sumubok pumasok sa mundo ng freelancing. Hindi mo mapigilang sabihin na “sana all, sana ako rin” o di kaya napapatanong ka na, “kailan kaya na ako naman ang mag kekwento na success story ko?”
Bago ko sabihin kung anu-ano ang mga dapat mong gawin, kumuha ka muna ng papel at ballpen, isama mo na rin ang kape kung gusto mo.
O siya, ready ka na ba? Ito na …
Kilalanin ang sarili. Sabi nga ni pareng Aristotle, “Knowing yourself is the beginning of wisdom.” Sa Tagalog, “Nagsisimula ang karunungan sa pagkilala mo sa iyong sarili.” Kaya huminto, huminga at mag-isip … kilala mo na ba ang sarili mo? Alam mo na ba kung saan ka magaling, mga hilig at gusto mo? Anong kahinaan meron ka? Bukod sa pagkita ng pera, bakit gusto mo maging isang freelancer? Ilan lang yan sa napakaraming tanong na pwede mo sagutin. Wag na wag mong i-skip ang part na ‘to dahil ito ang pinaka-crucial part ng freelancing journey mo. Dito ka magsimula dahil dito ka lalago.
Mag-aral at maging resourceful. Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mong mag-aral. Sa freelance world, hindi natatapos ang pagiging studyante mo. Maraming libreng courses online, nandiyan ang Molongski University, Udemy, Youtube at Google. Wag sanayin ang sarili sa spoon-feeding. Alam ko na malaki ka na kaya i-utilize ang search button dahil nandiyan yan for a purpose.
Sumali sa Freelance Groups. Hindi mo kaya mag-isa. Huwag kang matakot magtanong at humingi ng tulong sa mga bagay na interesado ka malaman. Makinig sa kwento ng iba at wag ka rin mahiyang i-share ang kwento mo. Kung wala ka pang idea kung saan sasali, bakit hindi mo simulan dito sa Molongskiverse Freelancers, balita ko masarap kasama yung mga tao diyan, mga gaga nga lang. *wink*
A Quick Guide for the Newbies
