Post 2 of 3
Intro: Destiny, Algorithm And Birds Of The Same Feather
More than pagtulong sa Upwork profiles niyo, paglevel up ng proposals niyo, negotiation skills or resignation skills (~wish I could be the one…) niyo, what I really take pride on, is bringing people from all walks of life together.
If you do not acknowledge and appreciate this, it’s okay. ☺️
You can’t deny this though — you’re with your own kind of people now. Hindi aksidenteng naligaw kayo sa Molongskiverse. Kung nakita niyo man nabanggit ang Molongski or yung Molongski Method sa ibat ibang panig ng ka-Facebookan in either good or bad light, that’s all part of a design to bring you all together and find your own people — para mas enjoyin ang freelancing journey niyo with new friends and ones youre still about to make
Body: Wildflowers
And since I can’t run the page alone — kasi tao lang ako na namamaga din ang mga daliri kakafacebook. Char — I brought people together then and now to specifically help me out and continue the Molongski Movement na patuloy paglaki.
People usually volunteer na maging part ng Molongski Team, ng crew, maging intern, maging julalay or kung ano pa man — but I rarely pick from those.
I pick wildflowers and allow them to grow in places people, or kahit sila mismo, think they never would. And I know, and they know this in their heart of hearts, each of the members ng SMM Batallion eh nag-grow.
Bakit nga ba SMM Batallion. Ewan ko sa mga yan. The chaka name already gives you an idea how well theyre well-rounded individuals — kaya, among other things, maging jologs, jejemon, clowns at maging deep.
It’s not sexy maging part ng team that closely work with me in helping you guys. People see it as gaining power and influence over others, but it’s really giving them responsilibilities na di naman nila kailangan kunin kasi (and I never fail to mention this) wala namang bayad or sahod at all, pero kinukuha pa din nila — kasi siraulo din sila kagaya ko. No one in their sane mind will do what I do. No one on their sane mind will do what they do. And it’s certain certain kind of beautiful sayad that has brought us together, para sa inyo. Lakas makadrama at makagrandstanding eh noh. 😅 Pero kung wala ang group effort, wala kayong mga GCs, Groups at kung anu pa man para tambayan at maging source of resource.
Andami ko na sinabi pero di pa pala ako nag-thank you. 😅
Thank you for being joyful people, the friendship, having my back and for all the things I can’t post here. ❤️
About the photo…

Last year nagpa-canvas ako kay Tita Beauty ng Funko Pop para sa Molongski. Kala ko mura, para ibenta sana na parang collector’s item, kasi syempre mukha akong pera. LOL eh ang mahal pala 🤦🏽♂️ so I put the idea sa backburner muna hanggang sa nakalimutan ko na.

Hanggang sa biglang may box na dumating sa doorstep namin mga a month ago. Galing pinas. Mukang box na may laman (malamang). Tapos deep inside nafeel kong ito nga yon. I smiled. Pero naisip ko actually baka may nadpadala ng Tuyo 😅 And voila, limited edition 1 of 1 nga ng Molongski Funko galing kay senyor mamaw @ginorbertocustoms (https://www.facebook.com/GinoRobertoCustoms)

Closing: May Your Dreams Don’t Come True
One time. Birthday ko. May inuman. Sabi mg favorite kong kainunam dati, “Pare, I wish all your dreams don’t come true.”
I was like, “Gagu ka ba? Wag ka naman ganyan? Bakit mo ba nasabi yan? Lasing ka na ba, eh puro ka lang papak ng pulutan ah.”
He goes, “Kasi pre, dreams are just exagerrations of things you already know. Ang corny naman pag ganun lang. Pano kung mas maganda at mas gusto mo pala yung mga bagay na di mo alam at di mo inaakalang darating pa?”
When I started the page late 2019, wala sa hinagap na magkaka-Funko ang Molongski. Ang priceless ng thoughtfulness at kasweetan ng SMM Batallion, and that’s just an understatement. And tama nga ang sinabi ng nakainuman ko, kaya para sa mga tao sa baba, I also hope your dreams don’t come true.
Angeli = SMMaldita / Tita Lavinia
Arlene = Tita Sexy
Bea Fae = B1 / Bea QT / Mornings with Bea / Anak ng Mayon
Cher = Tita Hong
Deborah = Tita Beauty
Eloisa = E.G. / Coach Eloi
Idom = Tita Pretty / Halter Ego
Ivy Joyce = Tita Bebe
Ivy = Tita Ganda
Joan = ang Na-Fall
Karen = Tita Kikay
Kiete = Mayora / Kapitana / CEO Kiete Foundation
Meryjoy = Mirijuy
Mharj = Hot Momma
Molongski = El Padre De Gout
Naykka = Kween Naykka / Legit Jejemon
Nicci = Nicci Baebeh
Nicole = walang apelyido
Olet = Tita Coolot
Ronadae = Tita Baby
Rozelaine = B2
Smile = Tita Tester
Veronica = Madame
Labyu!
Maraming salamat po Boss Molongski at sa mga Wildflowers/SMM Batallion. Sana po, humaba pa ang pasensya mo sa aming mga pasaway at mga silent readers. We appreciate all you do. 🙂
natawa talaga ako sa de gout! 😀