The Fires Of 2020

2020 was a bad year for most, if not for all of us. Pati salubong ng New Year eh hindi din “happy” for some. But if not for 2020, hindi tayo nagkakilakilala lahat. Lahat. And I’m thankful for that.

Madaming pwedeng ireklamo sa 2020 na yan, pero mas madaming we can and should be thankful for. We just have to choose to, pag kaya na.

Gusto kong magpasalamat dahil sa platform na to, nafeel kong medjo cool kid din pala ako, at for once di ko nafeel na underachiever ako.

Salamat sa pagsama niyo sakin sa journey ko maging Creator sa Facebook. Nagka-STARS ako dahil sa inyo at salamat sa patuloy at walang humpay na nagsesend ng STARS. Naalala ko pa nung isa or apat lang nanonood sakin sa live. At yung pinapangarap ng lahat ng creators ang magkaroon ng SUPPORTER feature, nakuha din natin. Mga 100k at 800K followers wala pa nun, pero tayong pipitsuging 18K lang, for some miracle (or glitch) eh biglang nagkaroon tayo. Salamat sa 28 nag nagbayad ng $4.99 maging SUPPORTERS at walang hinihingin kapalit – ang Molongskers. Labyu!

Salamat sa Merchiful kasi nagtiwala sakin magbenta ng shirts, lalo when all the others kind said NO pipitsugin ka lang walang bibili. Wala pa din masyado bumibili pero wala ako pake. 😊

Sa mas malalim na appreciation sa 2020 eh yung mga tao – kayo.

Andami-daming kong napulot sa lansangan along the way na mga “bata” and masarap makitang you’ve all gone out sa comfort zones niyo at maging kayo at ng ginagawa niyo ngayon – mga batang nagpapasikat na din ng creativity at services nila or panay “Last game na guys.”, pero maglalaro pa ng 12 games pala. Masarap din makita ang iba sa inyo makita na na-rekindle ang fire para ituloy ang mga “passion” niyong namatay saglit. Let’s keep each others’ fires burning. Walang patayan ng apoy.

I appreciate ang mga ka-undies ko – kaboxers kapanties – ang mga then-and-now KASALAWALS. Salamat sa mga daandaang dumaan at nawala. Salamat sa mga araw araw nagdedecide mag-stay. Hindi para sa lahat ang The Underwearkers kaya naappreciate ko yung mga nandito pa. Salamat at di niyo na ako tinatawag na master kasi mahapdi na ang mukha ko kakafacepalm everytime nababasa ko yon.

Salamat sa mga haters – sa energy at oras na ginugol niyo hating.

Salamat sa ibang groups diyan, kasi kung hindi niyo ginagawa yang ginagawa niyo, walang maliligaw sa Molongski and The Underwearkers. At sa Freelancing All Stars.

Wala pa sa 1% yan sa mga bagay, tao pangyayaring thankful ako. At lahat dahil sa inyo. Ako na ang hashtagblessed. 😎

Sa 2021 samahan niyo naman akong makamit ang elusive na “In-streams ads”. Mahirap kasi di pa ako nakagawa ng content dito sa Mars para panoorin niyo, at need daw ng facebook ng 30K 1 minute views sa loob ng 60 days. So medj tagilid. Samahan niyo din akong makuha yung “facebook articles”, kaso need daw ng 1500 visits per post yata or per day sa Molongski.com so malabong mangyari yon, pero try natin? LOL. Bakit ba may paganito ako? Malamang nagbabayad din ako ng bills at ayaw ko kayo pagkakitaan sa mga paid paid course na yan, kaya si Facebook na lang pagkakitaan natin. Saka may mga bills din ako kagaya niyo, para sulit naman ang kinukuha niyong oras ko na ini-spend ko sana with Molongskitten (pakifollow). At finally, kung papalarin sana makuha din natin yung blue check mark ni Facebook sa 2021.

Mas magiging active na pala tayo this year sa YouTube. So abangan niyo yon. Molongskitchen a la Boy Logro or Ewan Yusap? Mas hawig ko daw si Boy Logro sabi ng misis ko.

Patuloy pa din tayo sa diretsong turo sa inyo ng #MolongskiMethod. Walang hanash, walang keme, walang tinatago, diretso tips at giggles pa din. Walang sign-up sign-up needed.

Tignan natin kung pwede na palakihin ang The Underwearkers to wampayb or 2k, pero di natin pwedeng gawin yon kung kayong mga kasawals ay di kayang maging Molongski din. Sa mga abangers sa labas, abangan niyo na lang notif na nakapasok kayo or post kong decline all.

Sa Freelancing All Stars, focus tayo sa inyo this year. Iwan ko na yang The Underwearkers na yan. Pangit daw dun eh. Nabasa ko.

So eto na nga…

Being thankful sa 2020 and being optimistic sa 2021 doesnt mean we have to abandon ang realidad na 2021 could be/is worse than 2020. So make a plan for that. At kung ano man ang plans niyo, let’s spend 2021 together.

Labyu!

One thought on “The Fires Of 2020

Leave a Reply

%d bloggers like this: