Kuntento naba si client sayo?

Here’s the screen pag nag-send sa inyo ng offer ang isang client or pag pipili na sya ng freelancer para gagawa sa project nya. Kuntento na ba siya sayo? Or kailangan pa ng ibang gagawa? Minsan nakalagay ilan ang kukunin at kadalasan hindi nakalagay kung ilan — at may na-hire na daw siya pero bakit live pa din ang job post?

Pwedeng naghire sya ng susubukan for a trial run, and this means kung kaya mo naman gawin at kayang suportahan ng portfolio mo at communication skills eh may laban ka pa, mars.

Pwede ding for multiple positions kasi ang hiring, kaya importante marunong ka magnavigate sa ibang parts ng isang job post at intindihin ang data na nagkalat. Lahat ng data dun makakatulong sa pagdecide kung saan mo invest yung Connects mo.

Pwede din bago yan tapos di alam ang ginagawa? Again ang sagot nasa ibang parts ng job post.

So worth it ba magsubmit pa din?

Kung madami ka namang Connects to burn, why not. Lalo pag “pasok naman sa banga”. If slapsoil ka sa Connects tapos newbie ka or nangangapa ka pa, wag na muna siguro mars?

Yan ang process ko, and sana may napulot na naman kayo sa ating #MolongskiMethod. Ikalat naaaaaa, wag madamot

Leave a Reply

%d bloggers like this: