Kasama Niyo Hanggang Dulo

Nasabihan ako sa kamakailang schism na hindi ko naman kailangan tulungan ang lahat.

Totoo naman. Tama naman.

Pero araw-araw nakikita ko ang mga di nakikita ng iba, ang di nakikita ng marami. Araw-araw may mga tanong pano mag-umpisa? Tama bang kumapit pa? Pano ba magpatuloy?

Insert motivational caption here.

Simpleng motivational or inspirational post may nagagawa pala. Mga pinaghandaang programs kagaya ng Baes of Freelancing at Titos and Titas of Freelancing nakakahelp pala ng daan-daanang nagmi-make time para sa kanilang mga sarili. Mga group chats na kung anu-ano lang usapan naman, nakaka-tulong pala mahanap ng bagong kasama sa kani-kaniyang journeys and destinations sa freelancing. Mga dumadaminh kung anu-anong Facebook groups, nakakatulong pala mahanap ng mga freelancers ang kanilang people na nakakaintindi ng kani-kanilang keme. Mga AYUDA at nangyayaring AYUDA pantry sa Pilipinas Freelancing All Stars eh nakakamenos-gastos pala talaga ang libo-libong nakakakuha — ilang pantyliners at diapers at pang-gatas na na-save lalo para sa mga walang budget talaga at mga naguumpisa pa lang.

Insert inspirational caption here.

Oo, pabibo kasi ako. Pa-hero. Feeling hero — gusto kong tulungan ang lahat. Totoo. Tama.

Pero hindi ko kailangan tulungan ang lahat. Totoo. Tama.

Pero mas gugustuhin kong mali na ako, basta nakikita ko araw-araw na nakakatulong ang Molongski at lahat ng bumubuo nito — hindi lang sa limang tao, sa bente, sa wampipti, or isang libo — kundi sa lahat ng pwede at kayang tulungan.

Hindi mo alam saan patungo — pero hahawakan mo ba kamay ko at hahayaan mong samahan kita?

Tutulong ako sa freelancing journeys niyo at kasama ang Molongski Crew upang marating niyong lahat ang gusto niyong destinasyon.

Kasama niyo ako sa journeys and destination niyo, hanggang dulo.

Ng bangin. Char.

Kasi pwede na ma-fall. Char not char.

Sino ang gusto mong kasama sa dulo?

14 thoughts on “Kasama Niyo Hanggang Dulo

  1. super true ako nga kahit walang upwork nakatambay parin dun kasi dun ko lang na fefeel na yeah it is worth it I am worth it at ang saya…

  2. Honestly, this is the only group I chose to maintain visiting, reading, commenting basta nakiki engage ako (period) because i wanted to continue learning as much as i wanted to continue my journey on freelancing. wala pang client now but somehow i know i will get there someday.

    You continue doing your best on what you are good at. Kudos Molongski!

    1. Hi Jing! Nasa Upwork Pilipinas All-Star kana? You can post for help kung saan ka nahihirapan. Will gladly help you! ❤️

  3. Kayo. Ikaw, ang battalion at new molongski crew gusto ko kasama sa freelancing journey ko. ❤️

  4. Sobrang laking tulong mo Bossing! Kundi ako pumasok sa group baka hanggang ngayon gipit pa din kami. 😂

  5. Salamat Boss Molongski and Team! Ang galing lang na natagpuan ko sa virtual na mundo ang group na ito🥰 Isa ako sa nagsisimula pa lang, at sana makatulong din sa iba balang araw.

  6. Thank you po sa mga inpirational messages na sobrang nakakatulong para magpatuloy sa pagiging isang freelancer at thank you po ng sobra sa mga pa AYUDA nyo po, laking tulong na po iyan sa para sa aming mga aspiring freelancer na walang budget sa pang enroll. Thank you po ng marami😍😘.

  7. Love this idea. Yung makatulong ka sa iba. Na walang hinihinging kapalit. Naiiyak ako chaaar! Thank you lods kasi may mga taong kagaya mo na willing magbigay tulong sa iba. Naalala ko kung pano ba ako napunta sa group ng upwork all star. Nakita ko to dun sa isang group na may kemeng bayad. Nirefer ng isang nagcomment kaya agad agad ako nagjoin kasi mukha akong libre HAHAHAHHA uumpisahan ko ng freelancing journey ko bitbit ang mga natutunan ko sa’yo at sa mga masisipag na baes. Balik ako dito pag nagkaroon na ng client. Labyuuuu

Leave a Reply

%d bloggers like this: