So nagkaclient ka, at malamang sa malamang kasi bago ka, akala mo pagkabayad sayo, pwede mo na agad ipang-checkout sa mga nasa cart mo sa Lazada or Molongski Made.
Well, hindi siya ganun kadali at kabilis siszt.
Gamitin natin na example ang time sheet ko below. Pasensiya na, 1 hour lang nakaya ko sa work week na yan. Oo na, ikaw na ang may 90 hours a week, per client tapos 4 pa client mo. Ikaw na anak ng juice.

Ang mga hourly contracts ay maaring covered ng Upwork Hourly Protection keme. Ibig sabihin, matic na-iinvoice at billed for the hours na na-log mo sa isang lingo.
Kung apaka bibo at curacha mo at nagpasok ka ng oras over the weekly limit na pinag-agreehan niyo ni client, eh hindi ito mai-invoice kay client pero kita pa din naman nila sa iyong Work Diary. Hindi ito yung diary kung saan mo kinukwento kung pinansin ka ba ni crush today, or diary ng mga utang. Pwede niyong pag-usapan ni client na lang at gawing bonus. Kaya importanteng maganda ang communication niyo sa umpisa pa lang ng contact niyo sa isa’t isa.
Lahat ng nakalog-in sa Work Diary nyo, matic-tracked man or manu-mano, eh matic-invoiced sya sa client nyo, at nasa baba ang time-table na nakalagay sa Upwork.
- Week 1 – You log time using the Upwork Desktop App (Time Tracker)
- Week 2 – Your time is invoiced to your client on Monday and they have until Friday to review your work
- Week 3 – Earnings become available on the following Wednesday

Ayan LOL, sorry hindi niyo muna mache-check out yung nasa cart niyo. Pero after a while naman, lalo na din pag madaming sabay na client, di niyo na mapapansin yang waiting time kasi nagkakaoverlap ng billing period at waiting period.
More about hourly contracts sa susundo na post, kagaya ng “weekly payments” on top of your billed hours. Oo, meganun. Kaya, subscribe na or follow or keme.
Labyu!
Thank you boss Molongski!