Gaano Ka-humble Si Coach Patatas?

Madami pa ding hindi naniniwala at walang tiwala sa mga pinagsasabi ko. Okay lang. Not my loss. Pero okay ka lang ba sa losses mo habang tuloy sa pag-ikot ang mundo?

Kung si Coach Maicy aka Coach Patatas aka Ecom Queen aka Passionate Lady Gamer 🤦🏽‍♂️ na 100% na, at bagong Top Rated, eh nakikinig at naniniwala sa mga “walang kwentang” mga pinagsasabi ko, magkakasakit ka ba, mamamatay or mababawasan ba pride points mo pag maniwala at magtiwala ka na lang sa #molongskimethod?

Maganda na siya sa profile photo niya sa Upwork, pero I told her subukan niya yung Dolfenal pose nya, kasi mas mukha siya malandi-pero-capable sa shot na yon. I also asked her na ilagay na sa $15 ang hourly rate niya. And she did.

Ang Dolfenal pose.

Ilang videos at livestream na ginawa ko, hell, nagdrawing pa ako last time, pero sige ayaw niyo pa din makinig. I can safely say, it’s not me it’s you.

Kahit sandamakmak na courses ang pagkagastusan mo, or kahit sa panaginip eh naupskill mo na lahat ng niche – eh walang silbi lahat ng mga yan kung di ka mapapansin. Sige pagpatuloy mo yang graduation photo mo, passport photo mo or super close up photo mo kita pores. Walang may gusto makakita ng pores mo.

Isipin mo na lang nasa Tinder ka.

Hanapin mo na yung photo mo sa Ig, myday, facebook, onlyfans, tinder, bumble, myspace or friendster – Yung mukang malandi, yung mukang masarap ka, yung mukang masayang masaya ka pa sa kanya.

Hindi ko na kayo papaliguan ng psychology about it, ng anthropology, ng sociology, ng kung anumang logy about it or kung anumang sabi sa nabasa kong book para lang paniwalaan niyo ako. Hindi ako si bleep. Sinabisabi ko yang mga yan, as kasama niyong mortal, kasama niyong tamad magbasa, kasama niyong nakikipagkulitan sa comments. Molongkilogy.

“Hindi ka seseryosuhin ng mga tao.”

Oo kasi free. Pag free eh almost always devalued na siya automatically for most people — Hindi kapaniniwala. Hindi daw kasi pinagugulan ng oras, ng pawis, braincells, ng puso, ng balunbalunan. 🙄

Saka hello, nagpapatawa ako. Alangan naman seryosuhin moko. 😑

UPDATE:

2 weeks since nagpalit ng profile photo si Coach Patatas at tinaas ang hourly rate nya by about 200%, dumami mga nahumaling sa kanyang ganda. Feeling ko Dolfenal pose nagdala talaga eh. Im pretty sure di siya sanay na di siya na-iinvite, pero I comforted her it’s okay. Ibang market na ang kukhha sa kanya. Wait for the 1 person out of 100 na papatol sa price mo, at merong yan — si Mr Right.

6 thoughts on “Gaano Ka-humble Si Coach Patatas?

  1. Naks Galing nman Bossing effective yung Molongski Methods m, congrats Maicy Galing tlga niya napaka helpful Kaya blessed.

  2. Mabait at super humble po talaga yan si mam 😊 amo ko po sya for 1 year . Napakamapagbigay pa po 😊 suoer down to earth at napakaganda I love you admnd I miss you mam ♥️

  3. #MolongskiMethod ang nagdala at ang dolfenal pose ni Coach Patatas, ❤❤maghahanap ako ng pose ko na malandi mmya, yung hindi kita ang pores😁😂

Leave a Reply

%d bloggers like this: