Appreciation Post Para Sa 0.074% Ng 50,000 Followers Ng Molongski

Post 1 of 3

May nakainuman ako dati, sabi: “Paps, alam mo ba na ang difference ng heaven sa hell ay simple lang? It’s in doing things willingly.”

Sure, hindi ko kailangan gawin ang pinagagawa ko sa Facebook, pero heto ako ginagawa ko pa din — willingly.

May mga tao ding nagsu-SUPPORT sa page and they do it willingly, at ang post na to at milestone ng page ay para sa kanila.

Early this year, or late last year ata yon, nabiyayaan ako ni Facebook ng “SUPPORTER BUTTON”, and I was like “Luh. Bat meron na ako nito? Kala ko pang mga artista lang to or yung mga tao sa Peysbuk na may check? OMG yayaman na ako.”

LOL

Anyway, running a page is not easy pag talagang involved ka from the ground up — Matrabaho, challenging, nakakapagod, nakakaumay, nakakadurog ng puso, nangangain ng oras sa family at sa mga rakets na na pambili sana ng diaper, at higit sa lahat nangangain din ng mental health.

Kaya, having 37 solid supporters na naiwan ngayon with me on this huge milestone means so much to me and my advocacy and our (oo sinama ko na kayo kasi sa true lang) movement.

Sa mundo ng social media lalong lalo na Facebook ngayon kahit saang lupalop ka nito maligaw, where almost everyone is looking — everyday — for a reason to bring people down, hate or just say nasty things — anjan kayo, making it much more meaningful.

Nagbabayad yang mga yan ng $5 a month just to be a SUPPORTER. Iba’t ibang mga kwento ng mga supporter why they do it. Meron mga nagsusupport lang para magpahilot LOL. Yung iba, pangsupport na lang daw yung $5 kasi nakasave sila from paying courses or coaching. Dahil daw kakaclose sila ng bagong project gamit ng kung anu anong kalokohang pinapauso ko like yang #MolongskiMethod or #KISSmuna na yan. Dahil daw 6 digit earners na sila bigla after years or months sa freelancing, or biglang 6 digits agad sila dahil lang sa turo ko, or yung simpleng dati $2-3/hr sila tapos ngayon kayang kaya na magkaproject ng $7, ng $10, ng $15, or $25/hr or more at balewala na lang daw yung $5 na pangsupport. Yung iba sabi kasi naniniwala sila sa advocacy ko. Yung iba sabi, wala lang. Pero ang sumusuot sa lahat eh yung reason na kasi “deserve mo”.

At ang alam ko ang kwento ng karamihan sa kanila. Hindi lahat yan kumikita na ng malaki, kagaya ng struggling din, nawalan ng raket, hirap makahanap ulit, wala pa nga sa freelancing — eh nagsusupport pa din.

Sa 37 na yan, it will translate sa 37 x $3.50(kasi may cut si FB ng 30%) — may $129.50 na akong less worry sa bills. Or pambili ng dalawang sakong bigas, or apat na box ng buko, or tuyo allowance for 3 months, or pambili equipment pang-stream. Sahod sa 2-4 hrs or 8 or 10hrs a day ko paikot ikot sa Molongskiverse groups, comments, inbox, pag-stream, GCs na sandamakmak, ang ngayon Clubhouse — 120+ hours a month for $129.50 😅. Maliit lang pala kung titignan niyo pero, malaking bawas sa iisipin ang malaman na aah may ganitong amount that will take care of the bills next month. Di man nakakayaman pero nakakabawas ng iisipin, and that means a lot — more than the actual numbers it bring.

And more than yung figures na yan, eh yung mga tao behind it — mga supporters THEB and NOW.

Pero as I conciously try to live in the now and appreciate it bago pa ito maging past or memory na lamang, salamat sa mga tao below. Para sa inyo ang 50K Followers milestone na to:

• Michelle Kho

• Ann Vencci

• Denise Joie

• Eloisa Garay

• Molongskie

• Olet Maileg

• Meryjoy Baroy

• Ivy Santocildes

• Nicci

• Nicole

• Smile Araga

• Remzen Karla Palo

• Dona Piquero Castillo

• April Mae Galvez

• Jelaica Desales

• Ly Ann Agulan

• Jobert Mendoza Sabino

• Ge Ri

• Quel Dela Guardia

• Abby Keil

• Irish May Pereña

• ՙՙ ՙՙ ՙՙ ՙՙ — Kiete ikaw ba to?

• Jaymar G. Aguilar

• Molongski

• Jel Zeñun

• Lian

• Cruz Maggester Julius

• Mohsen Almuhsin

• Caven Arraveug

• KEvin

• Clargie Caadan Galang

• Caloy Dela Cruz

• Chen Yanoc

• Xarina Lumaban

• Catherine Clemente

• Mharj Gomez

• Jason Dela Cruz

Labyu, Molongskers!

One thought on “Appreciation Post Para Sa 0.074% Ng 50,000 Followers Ng Molongski

Leave a Reply

%d bloggers like this: